mahigit isang taon ang lumipas… sa sobrang dami ng nangyari wala man lang akong naisulat….

bakit ang pinakamahirap sa lahat ay ang mag umpisa? ang pinakamahirap isipin ay ang katapusan? lagi na lang akong may tanong. at sa paglilibot ko sa mundo ng internet minsan may nakikita akong kasagutan. marami akong inumpisahan pero hindi ko natatapos, sadya sigurong ganon ang buhay ko? maraming tanong na walang sagot, kung hindi ko naman hahanapin ang kasagutan ay walang mangyayari sa buhay? tulad na lang ng post na to, hindi ko alam kung paano ko tatapusin.
maraming bagay na gumugulo sa isipan, kailangan daw itong mailabas upang hindi maipon at gumaan ang pakiramdam, ang hirap ng walang kaibigan na mahihingahan, kaya eto dadaanin na lang sa pagsusulat ng blog. kung minsan mas mabuti na eto kesa magkimkim ka ng sama ng loob hindi daw ito nakakabuti sa tao. may makabasa man nito at maka relate sila eh mabuti naman.
minsan ibabahagi ko rin ang kwento ng buhay ko sa daigdig ng WWW, hindi para magpa-awa kundi maging inspirasyon sa makakabasa, pero hindi ko alam kung papano uumpisan. minsan isang araw pag naisipan kong magsulat ng aking kasaysayan. sa ngayon heto at muli na namang nabuhay ang blog na eto.
sana may makabasa at makahanap ng kaibigan na mahihingahan ng sama ng kalooban.